Find an Article

1.
All-in-One Sinabawang Gulay

Perfect ang All-in-One Sinabawang Gulay para sa busy mommies na nais mag-prepare ng simple pero masarap na sabaw para sa pamilya. Dahil karamihan sa ingredients nito ay gulay, the best ito para sa mga nais kumain ng mas healthy na dishes.


Madali rin itong gawin—kailangan lamang mag-gisa at pakuluan ang mga gulay hanggang maging tama ang lambot nito. Pair this soup with fried fish o sinaing na tulingan para sa isang complete meal. 


Ingredients:


2 tbsp vegetable oil
2 cloves bawang, crushed
1 pc small sibuyas, quartered
1 pc kamatis, quartered
1/2 cup baboy, sliced
2 cups tubig
3/4 cup kalabasa, sliced
3/4 cup okra, sliced
3/4 cup sitaw, sliced
1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP® 
1/4 cup picked malunggay


Procedure:


1. Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis, and baboy sa mantika. Ilagay ang tubig at pakuluan.


2. Pagkatapos ng dalawang (2) minuto, ilagay ang kalabasa. Lutuin ng dalawang (2) minuto at isunod ang okra. Maghintay ulit ng dalawang (2) minuto bago ilagay ang sitaw.


3. Budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at idagdag ang malunggay. Ilipat sa bowl at i-serve. 

2.
Utan Bisaya

Kung nais mo naman dagdagan ng protein ang  iyong sinabawang gulay, pwede kang gumawa ng Utan Bisaya. Ang Utan Bisaya ay isang uri ng sinabawang gulay na mas sikat sa mga probinsya sa Visayas. Bukod sa mga gulay tulad ng kalabasa, gabi, sitaw, okra, talong, at malunggay o alugbati, hinahaluan din ito ng galunggong.


Ingredients:


3 cups tubig
1 pc gabi, peeled and sliced
1/2 cup kalabasa, sliced
2 pcs sitaw, sliced
1 pc talong, sliced
2 pcs okra, sliced
1 pc small patola, sliced
2 pcs fried galunggong, flaked
1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP® 
1/4 cup picked malunggay or alugbati leaves


Procedure:


1. Pakuluan sa tubig nang limang (5) minuto ang gabi, kalabasa, sitaw, talong, at okra.


2. Idagdag ang patola and fried galunggong.


3. Budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at ihalo ang malunggay o alugbati leaves. Ilipat sa bowl at i-serve.
 

3.
Ginisang Sardinas, Miswa at Pechay

Kung wala kang sariwang isda o galunggong para makagawa ng Utan Bisaya at gusto mo pa ring magdagdag ng protein sa iyong sabaw, pwede mo ring subukan ang Ginisang Sardinas, Miswa at Pechay. Mas madaling hanapin ang sardinas na de lata kaya naman pwede mo itong lutuin kahit anong oras!


Paniguradong ganado ang pamilya sa kanilang trabaho o eskwela ‘pag hinain mo ang Ginisang Sardinas, Miswa at Pechay. Hindi lang mas nagiging kakaiba ang nakasanayang sardinas, ginawa pa itong mas nutritious.


Ingredients:


2 tbsp vegetable oil
2 cloves bawang, minced
1 pc small sibuyas, cut into strips
1 can sardines in tomato sauce
2 1/2 cups tubig
1/2 bundle miswa
1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP® 
1/4 tsp pamintang durog
1 bundle pechay, sliced


Procedure:


1. Igisa ang bawang, sibuyas, at sardines sa mantika. Lagyan ng tubig at pakuluan.


2. Idagdag ang miswa at i-season with MAGGI® MAGIC SARAP® at paminta.


3. Idagdag ang pechay at isalin sa bowl para ihain.

 

I-enjoy ang Init at Sustansya ng Sinabawang Gulay Ngayong Tag-Ulan


Ang malamig at maulang panahon ang tamang oras para lutuin at ihain ang masustansyang sinabawang gulay. Syempre, wag kalimutang budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP® ang ‘yong creations! Dahil gawa ito sa fresh onion and garlic, plus real meat and spices, ang MAGGI® MAGIC SARAP® ang magpapa-level up ng sarap ng mga sabaw dahil dagdag sarap at aroma mula rito.