Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.
Skip to Main Content
Maggi
Maggi
  • Search Search
  • Recipe Overview Page Recipes
  • Articles Articles
  • Videos Videos
  • MyMenu Plan MyMenu Plan
  • MAGGI MAGGI
  • Login Login
  • Products
  • About Us
Maggi
Maggi
  • Search Search
  • Recipe Overview Page Recipes
  • Articles Articles
  • Videos Videos
  • MyMenu Plan MyMenu Plan
  • MAGGI MAGGI
  • Login Login
  • Products
  • About Us

Stress-Free Holiday Preparation: 5 Recipes To Add To Your Noche Buena Meal Plan

 

 

Ang holiday season ay puno ng kasiyahan dahil sa kaliwa’t-kanang handaan pero minsan, nakakastress din dahil sa mabusising preparation. Sa ating dearest home cooks, alam naming nakaka-pressure ang panahong ito dahil gusto niyong makapagluto ng espesyal na dishes para sa inyong pamilya. ‘Wag kayong mag-alala dahil nauunawaan ng MAGGI® ang nararamdaman niyo! We’re here to the rescue para tulungan kayong magplano para sa isang stress-free at Magical Na Pasko. Here are some recipes na pwede niyong isama sa listahan para sa Noche Buena preparation.

1.Baked Spaghetti

Dreaming of a white Christmas? Say no more, dahil perfect addition ang Baked Spaghetti recipe namin para sa Noche Buena menu niyo. Panalo na sa panlasa, praktikal pa dahil maaari mo itong lutuin in advance para hindi ka magahol sa oras. Mapa bata o matanda, siguradong magugustuhan ang dish na ito. Click here for the full recipe: https://www.maggi.ph/magicalpasko/baked-collection/

2. Baked Salmon

Throughout the years, naging staple na sa mga handaan ang Baked Salmon dahil sa healthy at eleganteng appeal nito. Madali rin itong i-partner sa iba’t-ibang side dishes gaya ng kanin, gulay, at, pasta dahil sa mild at tasty flavors nito. Bukod pa diyan, simple lang itong lutuin. Kung minimal effort at maximum impact ang hanap mo, hindi ka magsisisi sa recipe na ito. Try niyo na and get the recipe here: https://www.maggi.ph/magicalpasko/baked-collection/

3. Creamy Baked Macaroni

Time is of the essence ‘pag naghahanda para sa Pasko kaya mainam na pumili ng dish na espesyal ang dating pero hindi kumplikadong lutuin. Ang mga ingredients na gagamitin ay kadalasang staple sa bawat kusina gaya ng milk, cheese, catsup, ground pork, garlic, onion, at elbow macaroni. Isama ang classic recipe na ito sa inyong Noche Buena menu. You may get the Creamy Baked Macaroni recipe here: https://www.maggi.ph/magicalpasko/baked-collection/

4. Creamy Nacho Bake

Habang hinihintay ang mga main dishes ng Noche Buena, bigyan muna ang mga bisita ng malinamnam na pampagana. Magandang panimula sa salu-salo ang Creamy Nacho Bake recipe na ito. Tamang-tama ang pagkakatimpla nito kaya mas masarap ang kwentuhan sa holiday gatherings. https://www.maggi.ph/magicalpasko/baked-collection/

5. Creamy Sushi Bake

Hindi man traditional na handa ‘pag Pasko, nahuli ng Creamy Sushi Bake ang puso ng Pilipino. Isa itong patunay na kahit simple ang celebration, sumasarap basta sama-sama, parang ang ingredients nito: may perfect balance na complimentary sa isa’t-isa. Mahahanap niyo rito ang full recipe: https://www.maggi.ph/magicalpasko/baked-collection/

Habang papalapit ang Noche Buena, tandaan na ang secret sa stress-free holiday cooking ay ang tamang paghahanda. Sana makatulong ang mga recipes na ito para mas mapasarap ang pagsasama ng inyong pamilya at Gawing Magical Ang inyong Pasko!

  • Facebook
  • Youtube
  • Contact Us
  • Terms and Conditions
  • Privacy Policy
  • Cookies