Good news! Malayo ang puwedeng abutin ng mga tirang pagkain. Bigyan mo ito ng panibagong buhay at ligaya para mapagsaluhan ulit ng buong pamilya. Kaunting creativity at diskarte lang yan sa kusina!
I-magic ang tirang pagkain!
Madali lang gawing praktikal, masaya, at higit sa lahat masarap ang pagluluto at paghanda ng tira! Sundin ang mga tips na ito hatid ng MAGGI® para walang masayang na pagkain.
Pagdating sa tirang pagkain, ang ref ay ang bestfriend mo. Pagkatapos kumain, ilagay mo lang kaagad sa ref ang tirang ulam para hindi ito madaling masira. I-check kung malinis ang container na paglalagyan at kung nakatakip ito nang maayos. Dapat hindi na mainit o mainit-init ang pagkaing ilalagay sa container. Siguraduhin na room temperature ang storage.
Kung kukuha man ng tirang pagkain sa ref, i-check kung pwede pa itong kainin. Gaano na ito katagal nakatago sa ref? Para makasiguro, amuyin ang pagkain para malaman kung sira na ito o hindi. Kung pwede pa, siguraduhin na iinitin at kakainin na ito agad.
Hangga’t maari, isang beses lang dapat iniinit ang tirang pagkain mula sa ref. Kapag paulit-ulit mo itong nilalagay sa ref at nirere-heat,unti-unti na itong mawawalan ng lasa, nako-compromise pa ang safety nito at maaaring magdulot ng sakit ng tiyan.
Para sa mga pagkain tulad ng pork sisig, mas maganda kung paiinitin mo ito muli gamit ng kawali. Kung may sabaw naman tulad ng sinigang o bulalo, mas maganda kung iinitin mo ito muli gamit ng kaldero. Magugulat ka nalang na parang bagong luto uli!
Iba’t ibang pagkain, iba’t ibang paraan sa pag-init. Sa madaling salita, alamin kung ano ang wastong pamamaraan sa pag-iinit ng pagkain para mailabas muli ang sarap nito.
Sobra ang niluto mong chopsuey kahapon? Pwedeng-pwede mo itong ihalo sa pancit canton! Kung hindi ka kunteto sa pag-reheat ng tirang pagkain ninyo sa ref, pwede naman maging ingredient sa bagong ulam ang mga natirang pagkain.
Bakit hindi mo subukang mag-aral at mag-experiment ng iba’t ibang bagay na pwede mong gawin sa mga nilalaman ng ref ninyo? Kung kailangan mo ng mga ideya o inspirasyon sa pagluto, naghanda kami ng mga simple at masasarap na leftover recipes na pwedeng-pwede niyong subukan! Just click on this link: https://www.maggi.ph/recipes
Mahilig tayong mga Pinoy sa kanin--hindi na bago yan! Madalas pa iba-iba ang level ng takaw nina ate at kuya, kaya minsan ay sobra-sobra tayo ng nasasaing. Pero hindi ito dahilan para masayang ang nilutong mong kanin.
Maaari mo itong lutuin ulit at gawing Pork Chao Fan, Hotdog Fried Rice, Longganisa Fried Rice, Chicken Fried Rice o Tinapa Rice. Sa dami ng pwedeng gawin sa kanin, walang kailangang masayang. Pwedeng-pwede mo ulit itong lutuin at gawing pang almusal sa susunod na araw.
Sa MAGGI®, ang masarap mas lalo pang pinasarap! Kung plano mong lutuin muli ang mga tirang pagkain, budburan ito ng MAGGI® MAGIC SARAP® para mabigyan ng panibagong buhay at ligaya ang iyong ihahain.
Ang bawat granule ng MAGGI® MAGIC SARAP® ay gawa sa sariwang bawang at sibuyas para sa dagdag sarap at aroma, at may real meat at spices pa. na ikaliligaya ng buong pamilya. Tinagurian itong all-in-onederful seasoning dahil bukod sa hatid nitong lasa, paniguradong pang masustanya ang iyong lulutin.
Praktikal na, masaya pa!
May mga pagkakataon na hindi natin maiiwasan ang magkaroon ng tirang pagkain. Pero hindi ito sapat na dahilan para mag-aksaya. Sa wastong pamamahala ng tirang pagkain, hindi ka lang makakaiwas sa panghihinayang, makakatipid ka rin ng oras para sa iba mong gawain.