Tuwing Summer, ‘di mawawala sa listahan ng mga Pilipino ang bisitahin ang kanilang dream destination. Pero kung tight sa budget ang pamilya, paano nga ba masusulit ang bakasyon at home? Basta’t may diskarte at MAGGI® sa kusina, kayang-kayang gawing unforgettable ang summer experience ng ating pamilya. Gagawin nating adventure ang bawat kagat ng inyong paboritong ulam. Tara’t sama-sama nating lasapin ang sarap ng bakasyon with our magical recipes!
1. Bangus Sisig: Light But Tasty Alternative
Kung comfort food ang usapan, nangunguna ang Sisig diyan! Swak na swak ngayong summertime ang Bangus Sisig recipe na ito dahil madaling lutuin at magaan lang sa tiyan. Achieve ang summer bod niyo sa tasty Sisig alternative na ito. Alamin kung paano ito lutuin.
2. Salted Egg Shrimps: A Decadent Treat
Hindi man makapag-bakasyon by the beach, para ka na ring nagtampisaw sa isa sa mga white sand beaches kapag sagana ang seafood sa mesa. Hit na hit ang Salted Egg Shrimps ngayong tag-init dahil parang nagsu-surf ang tamang timpla ng anghang, tamis, at alat sa inyong mga dila. Give this trendy recipe a try. Link to recipe
3. Pinaputok na Tilapia: A Flavor Explosion
Kapag may inihaw at dahon ng saging, it’s giving barkada outing. Kahit nasa bakuran ka lang ng iyong bahay o nasa sala kasama ng pamilya, hindi maitatanggi na huli ng Pinaputok na Tilapia ang summer vibe na hinahanap mo: Ang special blend ng spices, banana leaves, at MAGGI® seasoning. Sumasabog sa Sarap Sustansya ang recipe na ito—isang patunay na hindi kailangan maging kumplikado ang lutuin para maging magical.
4. Pansit Canton: A Nostalgic Journey
Hindi kumpleto ang salu-salo kung walang Pansit. Tunay na classic ang dish na ito. Sa bawat kagat, malalasap ang sarap ng samahan. Madali lang itong lutuin kaya marami pang panahon para makapag-bonding. Isama ito sa inyong handaan nang mas humaba pa ang kwentuhan.
5. Savorventure Grilled Porkchop: A Backyard Getaway
May kakaibang saya ang dala ng pag-iihaw lalo na tuwing tag-init. Iba ang dating ng aroma ng Porkchop lalo na kapag niluto sa uling. Amoy pa lang, ulam na! Cooking tip: timplahin ito gamit ang calamansi, asin, paminta, at MAGGI® Savor para mas maging katakam-takam ang Savorventure Grilled Porkchop.
Ngayong bakasyon, nasa kamay ninyo kung paano gagawing memorable ang summer staycation niyo. Hindi kailangang gumastos ng malaki o pumunta sa mamahaling resort para ma-enjoy ang tag-init. Ang simpleng salu-salo kasama ngating pamilya, sapat na para mailabas ang magic ng summer from home. Ika nga nila “home is where the heart is.” Kaya ano pang hinihintay mo, lasapin na ang sarap ng summer with MAGGI®!