Find an Article

1.
Isama lahat ng food groups

Kaya tayo nagpapabaon ng pagkain ay para mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga chikiting. Para ma-achieve ito, dapat isaalang-alang ang balanced diet kung saan kasama ang lahat ng major food groups. Kasama dito ang prutas, gulay, protein, grains, at dairy. Kung may allergy sila, mas mabuting kumonsulta muna sa inyong doktor.

 

Kung mapili sa pagkain si bunso, i-halo ang mga masusustansyang pagkain sa mga paborito nila para sigurado ang sustansya. Halimbawa, puwede mong lagyan ng carrots ang meatballs para sa dagdag na vitamins.

 

Puwede mo rin silang tanungin kung bakit ayaw nila sa isang pagkain. Ayaw ba nila ng texture or itsura nito? Kapag nalaman mo na ang sagot, madali mo nang magagawan ng paraan with your cooking techniques!

2.
Isali si chikiting sa paghahanda ng kanilang baon

Mas malaki ang chance na kainin ng mga chikiting ang baon nila kung kasama sila sa pagprepare nito. Simula sa pag-iisip hanggang sa preparation, i-encourage silang sabihin kung ano ang kanilang gustong baunin. Sa ganitong klaseng approach, puwede mong gawan ng paraan para maging masustansiya ang kanilang pagkain.

 

Mas mabuti ring isama niyo sila sa pamimili para maturuan silang magdesisyon para sa sarili at magka-say sa kanilang babaunin. Makakatulong din ito para sure na kakainin nila ang kanilang baon.
 

3.
Siguraduhing safe ang pagkain

Laging isaalang-alang ang safety pagdating sa paghahanda ng baon ng mga chikiting. Siguraduhing malinis at fresh ang mga ingredients, at huwag magpack ng baon kung malapit na itong masira. Priority ang safety ng ating mga chikiting!

4.
Make sure na hydrated sila

Mahalaga ang regular na pag-inom ng tubig para maiwasan ang dehydration. Baunan sila ng malinis na tubig sa isang malaking safe at BPA-free na water bottle para lagi silang hydrated. 

5.
Magfocus sa healthy snacks

Mahilig magmerienda ang mga chikiting natin lalo na yung mga hindi nauubusan ng energy. Dahil diyan, dapat natin isaalang-alang ang mga snacks na pinapabaon sa kanila.

 

Magandang healthy alternative snacks ang mga sariwang prutas o sandwiches na gawa sa pan de sal na pinalamanan ng kesong puti, peanut butter at jam.

6.
Pasarapin ang baong ulam at kanin

Para ma-experience nila ang All-in-ONEderful sarap ng kanilang pagkain, pasarapin ang baon nilang ulam with MAGGI® MAGIC SARAP®. Gawa ang MAGGI® MAGIC SARAP® sa sariwang sibuyas at bawang, kasama ng real meat at iba pang spices na magpapasarap sa kanilang baon. Siguradong laging ubos ang pagkain nila pag-uwi galing school!

7.
Ihanda na mukhang masarap ang baon (at gawing fun ang paggawa nito!)

Madalas mapili sa pagkain ang mga chikiting pero may way para ganahan silang kainin ang baon nila. Mahalaga sa mga bata ang maayos at nakakaganang presentation. Kung hindi ito mukhang appetizing, malaki ang chance na hindi nila ito kakainin. Dapat hindi lang malinamnam ang kanilang baon, kundi mukha ring masarap kainin.

 

Lagyan ng masasayang designs ang pagkain nila sa pamamagitan ng pag-cut sa iba’t ibang hugis at paglagay ng makulay na ingredients. Kapag masarap at mukhang masarap ang baon ng iyong mga anak, siguradong walang laman ang baunan pag-uwi nila sa bahay.

 

Mas maraming benefits na makukuha pag binabaunan ang inyong mga anak sa school. Hindi ka lang makakatipid, sure ka pang masarap at masustansya ang kinakain nila araw-araw! Magiging paborito pa nila ang mga luto mo lalo na kung ginamitan mo ito ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Mabibigyan ng kakaibang level ng sarap ang ulam at siguradong magiging excited sila sa baon nila tuwing papasok sila sa school.