Hindi lang magandang paraan ang pagluluto para maka-bonding ang iyong mga chikiting, pagkakataon din ito para matutunan nilang gumawa ng mga simpleng lutuin. Ito na rin ang chance mo para ituro ang mga asal katulad ng pagiging matiyaga at masipag.
Subukan ang mga susunod na recipe for kids! Syempre, wag kalimutang dagdagan ang sarap at aroma nito gamit ang MAGGI® MAGIC SARAP®!
Pagdating sa paboritong pritong ulam, wala na yatang papantay sa ligayang hatid ng fried chicken sa mga bata! Lagyan ng twist ang fried chicken sa tulong ng Chicken Lollipops recipe na ito.
Ingredients:
- 9 pcs whole chicken wings, hatiin sa 18 pcs lollipops
- 1 sachet MAGGI® MAGIC SARAP® 8g
- 1/4 tsp freshly ground pepper
- 1 tsp paprika
- 1/2 cup all-purpose flour
- 2 pcs eggs, beaten
- 2 cups Japanese bread crumbs
- 4 cups vegetable oil
- 1/4 cup preferred dipping sauce
Procedure:
- Timplahan ng MAGGI® MAGIC SARAP®, paminta, at paprika ang manok.
- I-coat ito sa harina, beaten eggs, at bread crumbs.
- Iprito ang manok sa mainit na mantika hanggang maging golden brown. Tanggalin ang excess oil. Ilipat sa serving plate kasama ang dipping sauce.
Isa pa sa mga paborito ng mga bagets ang hotdog. Pero, pwede mo pa itong mapa-level up—sundin lamang ang aming Tortang Hotdog recipe!
Ingredients:
- 1 tbsp margarine
- 2 cloves garlic, minced
- 1 pc small onion, julienned
- 3 pcs or 75g hotdog, sliced
- 1/4 cup water
- 1/2 sachet MAGGI® MAGIC SARAP® 8g
- 4 pcs fresh medium eggs, beaten
Procedure:
- Igisa ang bawang at sibuyas sa non-stick pan na may margarine.
- Ilagay ang hotdog at tubig at lutuin hanggang matuyo ang tubig. Timplahan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at ilagay ang itlog.
- Ibaba ang apoy to medium at dahan-dahang haluin ang mixture hanggang barely set na ang itlog. Maglagay ng pinggan sa ibabaw ng pan at i-flip ito upang maluto ang kabilang side ng itlog nang isa pang minuto. Tanggalin sa kawali at hayaan itong mag-rest nang limang minuto. Hatiin to serving pieces at ilipat sa serving plate.
Breaded Pork Chop
Kung gusto naman nila ng ibang fried recipe, madali lang din ang paggawa ng Breaded Pork Chop!
Ingredients:
- 1/2 kg o 6 pcs skinless pork chops
- 1 sachet MAGGI® MAGIC SARAP® 8g
- 2 tbsp soy sauce
- 1/4 tsp freshly ground pepper
- 1/2 cup all-purpose flour
- 2 pcs eggs, beaten
- 1 1/2cups Japanese bread crumbs
- 2 cups vegetable oil
- 1/4 cup preferred dipping sauce
Procedure:
- Timplahan ng MAGGI® MAGIC SARAP®, soy sauce, at paminta ang pork chops. I-coat ito sa harina, beaten egg, at bread crumbs.
- Iprito sa frying pan na may mainit na mantika ang pork chops hanggang maging golden brown. Tanggalin ang excess oil. Ilipat sa serving plate kasama ang dipping sauce.
Isa pang twist na pwede mong gawin sa fried chicken ay gamitin ito bilang burger patty. Imbis na gumamit ng giniling na baka, sundin lamang ang recipe na ito for an easy Fried Chicken Burger!
Ingredients:
- 4 pcs boneless skinless chicken thigh
- 1 sachet MAGGI MAGIC SARAP® 8g
- 1/4 tsp freshly ground pepper
- 1 cup all-purpose flour
- 1 cup vegetable oil
- 1/4 cup NESTLÉ® All Purpose Cream
- 2 tbsp mayonnaise
- 2 cloves garlic, minced
- 6 pcs burger buns, toasted
- 6 pcs lettuce leaves
- 3 pcs tomato, sliced
- 1 pc red onion, thinly sliced
Procedure:
- Timplahan ang manok ng MAGGI MAGIC SARAP® at paminta. I-coat ito sa harina at iprito hanggang maging golden brown. Ilagay sa cooling rack para lumamig at tanggalin ang excess oil.
- Paghaluin ang NESTLÉ® All Purpose Cream, mayonnaise, at bawang. I-spread ang mixture sa burger buns.
- I-assemble ang burger. Unahin ang bun, chicken, lettuce, kamatis, at sibuyas. Ihain.
Hindi mawawala sa okasyong Pinoy ang lumpia. Kaya naman, sa susunod na birthday celebration ng inyong mga chikiting, try niyo ang Lumpiang Shanghai recipe na ito na hitik na hitik sa laman at sarap!
Ingredients:
- 1/2 kg fresh ground pork
- 1/2 cup carrot, grated
- 1 sachet MAGGI® MAGIC SARAP® 8g
- 2 tbsp MAGGI® Oyster Sauce
- 30 pcs small lumpia wrappers
- 2 cloves garlic, mashed
- 1 pc red chili, sliced
- 1/2 cup water
- 31tbsp brown sugar
- 1 tbsp cornstarch, dissolved in 2 tbsp water
- 3 cups vegetable oil
- 1 pc egg, beaten
- 2 tbsp vegetable oil
- 2 tbsp minced onion
- 2 tbsp MAGGI® Oyster sauce
- ½ cup finely chopped onion
- ½ kg shrimp, peeled and chopped
Procedure:
- Pagsamahin ang giniling, sibuyas, carrot, at keso. Ilagay ang kalahati ng sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP® at MAGGI® Oyster Sauce. Paghaluin ang ingredients at i-wrap gamit ang lumpia wrappers.
- Para gumawa ng sauce, paghaluin ang bawang, chili, at tubig. Pakuluin ng bahagya sa kawali at timplahan ng natitirang MAGGI® MAGIC SARAP® at MAGGI® Oyster Sauce, at asukal. Paghaluin ang cornstarch na may tubig at isama ito sa sauce.
- Iprito ang lumpia sa mainit na mantika nang dalawa (2) hanggang tatlong (3) minuto. Ilipat sa serving dish kasama ang dipping sauce.
Kung may lumpia, hindi rin dapat mawala ang spaghetti sa birthday ng inyong mga anak! Tiyak na mag-eenjoy hindi lang ang mga bata, kundi pati na rin ang mga adults, sa Pinoy Spaghetti recipe na ito na may tamis-asim ng catsup.
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 4 cloves garlic, minced
- 1 pc onion, minced
- 1/4 kg freshly ground pork
- 3/4 cup tomato sauce
- 3/4 cup banana catsup
- 1/2 cup hotdog, sliced
- 1/2 cup water
- 1 sachet MAGGI® MAGIC SARAP® 8g
- 1/4 cup brown sugar
- 1/4 kg spaghetti
- 3 tbsp cheese, grated
Procedure:
- Igisa ang bawang, sibuyas, at giniling na baboy sa mainit na mantika. Idagdag ang tomato sauce, catsup, at hotdog. Lagyan ng tubig at pakuluan ng bahagya. Timplahan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at brown sugar. Set aside.
- Ilaga ang spaghetti base sa package direction.
- Salain ang spaghetti at ihalo sa sauce. Ilipat sa serving plate, lagyan ng keso, at ihain.
- Sweet and Sour Squid Balls
Lagyan ng sweet at sour twist ang paboritong meryenda at gawin ang Sweet and Sour Squid Balls recipe na ito with your kids!
Ingredients:
- 1/4 cup vegetable oil
- 1/2 kg squid balls, halved
- 2 cloves garlic, minced
- 1 pc small green bell pepper, cut into strips
- 3 tbsp vinegar
- 1 cup water
- 1/4 cup sugar
- 1/2 cup banana catsup
- 1 sachet MAGGI® MAGIC SARAP® 8g
- 1 tbsp cornstarch, dissolved in 1 tbsp of water
Procedure:
- Igisa ang squidballs sa mantika hanggang maging golden brown. Set aside.
- Para gawin ang sauce, igisa ang bawang, sibuyas, carrot, at siling makopa. Lagyan ng suka, tubig, asukal, at catsup. Timplahan ng isang sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP®.
- Ihalo ang mixture ng cornstarch at tubig upang lumapot ang sauce. Ilagay ang meatballs at hayaang kumulo ng bahagya. Ilipat sa serving plate.
Kung nais naman ng inyong mga anak ng bagong pasta dish, itong super simple pero malasang Mac and Cheese ang perfect na meryenda!
Ingredients:
- 1 tbsp annatto seeds (atsuete)
- 3 tbsp unsalted butter
- 2 tbsp all-purpose flour
- 2 cups NESTLÉ® Fresh Milk
- 1 sachet MAGGI® MAGIC SARAP® 8g
- 1/4 kg elbow macaroni
- 1/2 cup crispy bacon bits
- 1 cup cheese, grated
Procedure:
- Initin ang atsuete at butter on low to medium heat. Salain ang butter sa sauce pot. Lagyan ng harina at i-whisk in ang NESTLÉ® Fresh Milk at keso. Pakuluin hanggang lumapot ang sauce at budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP®.
- Ilaga ang macaroni hanggang maluto. Salain ang macaroni, ihalo sa cheese sauce, at ilagay ang bacon bits. Ilipat sa serving plate at ihain.
Bilang magulang, mas gusto mo na maghain ng masustansyang ulam sa iyong mga anak. Perfect ang Fish and Shrimp Sinigang dahil madali lang itong lutuin—kahit ang mga bata ay mag-eenjoy sa paggawa at pagkain nito.
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 8 pcs large shrimps, remove head and deveined
- 4 cloves garlic, crushed
- 2 thumb-size ginger, julienned
- 1 pc onion, quartered
- 2 pcs tomatoes, quartered
- 1 pc finger chili
- 5 cups water
- 1/2 cup o 50g biased radish
- 1/2 cup o 50g biased okra
- 1/2 cup o 50g 2-inch sitaw
- 1 sachet MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampalok Mix 22g
- 1 tbsp fish sauce
- 1 tbsp brown sugar
- 1/4 kg tanigue steaks
- 1 cup 50g picked leaves and tender stems of kangkong
Procedure:
- Igisa sa mainit na mantika ang mga ulo ng hipon. Pwede itong durugin para ma-extract ang flavor nito. Ilagay ang bawang, luya, sibuyas, kamatis, at chili, at igisa pa ito ng dalawang minuto.
- Ilagay ang tubig at hayaang kumulo nang tatlumpung (30) minuto. Maya’t mayang itong silipin upang tanggalin ang scum sa ibabaw. Tanggalin ang mga ulo ng hipon after 30 minutes.
- Ilagay ang radish. Lutuin ng dalawang minuto at isunod ang okra. Maghintay ulit nang dalawang (2) minute bago ilagay ang sitaw.
- Ihalo ang MAGGI® MAGIC SINIGANG® Original Sampalok Mix, patis, at asukal.
- Huling ilagay ang tanigue at kangkong. I-transfer sa serving bowl at i-serve habang mainit.
Isa pang healthy alternative sa fried fish ang Grilled Tuna Belly recipe na ito.
Ingredients:
- 1 kg tuna belly, cleaned
- 1 sachet MAGGI® MAGIC SARAP® 8g
- ¼ tsp freshly ground pepper
- ¼ cup soy sauce
- 2 tbsp calamansi juice
- 4 cloves garlic, crushed
Procedure:
- I-marinade ang tuna sa MAGGI® MAGIC SARAP®, paminta, soy sauce, calamansi juice, at bawang ng isang oras.
- I-preheat ang grill. Pahiran ng oil ang tuna bago ihawin. Lutuin nang lima (5) hanggang walong (8) minute ang bawat side. I-transfer sa serving plate at ihain kasama ang spiced vinegar.
Make Bonding Time Delicious!
Habang bata pa ay mainam na matutunan na ng inyong mga anak kung pano magluto para lumaki sila na marunong sa gawaing-kusina. Gabayan sila sa bawat step lalo na sa paggamit ng kutsilyo at iba pang bahagyang delikadong mga bagay nang maiwasan ang aksidente.
Syempre, ituro rin sa kanila na mas lalo pa nilang mapapasarap ang kanilang mga lutuin. Ilang granule lang ng MAGGI® MAGIC SARAP® ay siguradong may dagdag na sarap at aroma na agad ang kanilang mga paboritong pagkain!