Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.
Skip to Main Content
Maggi
Maggi
  • Search Search
  • Recipe Overview Page Recipes
  • Articles Articles
  • Videos Videos
  • MyMenu Plan MyMenu Plan
  • MAGGI MAGGI
  • Login Login
  • Products
  • About Us
Maggi
Maggi
  • Search Search
  • Recipe Overview Page Recipes
  • Articles Articles
  • Videos Videos
  • MyMenu Plan MyMenu Plan
  • MAGGI MAGGI
  • Login Login
  • Products
  • About Us
Ways Para Lutuin ang Paboritong Pasta Dishes Ngayong Pasko

6 Ways Para Lutuin ang Paboritong Pasta Dishes Ngayong Pasko

Madalas na present ang spaghetti kapag may handaan gaya ng birthday ni bunso, graduation ni kuya, wedding anniversary ninyo ni mister, at syempre, sa Pasko! Hindi talaga nawawala ang spaghetti sa Pinoy celebrations.

Sa darating na Noche Buena, subukan mong i-switch up at level up ang classic spaghetti recipe mo with Maggi’s All-in-ONEderful pasta dishes. Gamit ang MAGGI® MAGIC SARAP® na may halong sariwang bawang at sibuyas plus real meat at spices, siguradong winner ang pasta recipes para sa Noche Buena! 

  • Pinoy Spaghetti 
Pinoy%20Spaghetti

May tamang tamis at asim ang classic Pinoy Spaghetti, pero pwede mo pang bigyan ito ng twist kapag hinaluan ng ibang pampasarap na ingredients gaya ng MAGGI® MAGIC SARAP®. 

Ingredients: 

  • 4 cloves bawang, minced 
  • 1 pc sibuyas, minced 
  • ¼ kg giniling na baboy 
  • ¾ cup tomato sauce 
  • ¾ cup banana ketchup  
  • ½ cup hotdog, sliced 
  • 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP® 
  • ¼ cup brown sugar 
  • ¼ kg spaghetti 
  • ½ cup tubig 
  • 2 tbsp vegetable oil 
  • 3 tbsp keso, grated 

Procedure: 

  1. Igisa ang bawang, sibuyas, at giniling na baboy sa mantika. Ihalo ang tomato sauce, ketchup, at hotdog. Lagyan ng tubig at pakuluan. 
  2. Timplahan ang sauce ng MAGGI® MAGIC SARAP® at brown sugar. I-set aside. 
  3. Pakuluan ang spaghetti noodles base sa cooking directions na nakasulat sa packaging. I-strain ang boiled pasta at ihalo ang sauce. Ilipat sa serving plate. Budburan ng keso bago ihain. 
  • Spaghetti Pomodoro  
Spaghetti%20Pomodoro

Magandang ihanda ang Spaghetti Pomodoro kung light pasta dish ang hanap mo. At alam mo ba? “Kamatis” ang ibig sabihin ng Italian word na “pomodoro,” ang main ingredient ng pasta sauce ng dish na ito!  

Ingredients: 

  • ¼ kg spaghetti 
  • 6 cloves bawang, sliced 
  • ¼ kg kamatis, cut into bite-size pieces 
  • 3 tbsp olive oil 
  • 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP® 
  • ¼ tsp paminta 
  • 2 tbsp basil, chopped 
  • 2 tbsp keso, grated 

Procedure: 

  1. Pakuluan ang spaghetti noodles base sa cooking directions na nakasulat sa packaging. 
  2. Igisa ang bawang at kamatis sa olive oil. Timplahan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at paminta. 
  3. Salain ang pasta. Ihalo ang sauce at basil. Ilipat sa serving plate at budburan ng keso bago ihain. 
  • Chicken Pesto Spaghetti 
Chicken Pesto Spaghetti

Kayang kaya mong gumawa ng pesto pasta dahil simple lang ang steps nito. Healthy din ang Chicken Pesto Spaghetti na pwedeng pambalanse sa food overload during the holidays. 

Ingredients: 

  • 1 ulo ng bawang, peeled 
  • ¼ cup olive oil 
  • 1 cup dahon ng basil, nabanlawan at pinatuyo 
  • 2 tbsp cashew nuts, toasted and chopped 
  • ½ pc lemon 
  • 1/8 tsp asin 
  • ¼ tsp paminta 
  • 1 tsp asukal 
  • 3 tbsp keso, grated 
  • ¼ kg hita ng manok, boneless and skinless 
  • 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP® 
  • ¼ tsp paminta 
  • 1 tbsp vegetable oil 
  • 1 pc 250ml NESTLÉ® Fresh Milk 
  • ½ cup NESTLÉ® All Purpose Cream 
  • ¼ kg spaghetti 

Procedure: 

  1. Gumawa ng pesto sauce: Magluto ng bawang gamit ang olive oil sa isang maliit na kaldero hanggang lumambot ito. Ilipat ito sa blender at ihalo ang basil, cashew, lemon zest, at lemon juice. Timplahan ng asin, paminta, asukal, at keso. I-purée ang mixture hanggang maging smooth. Ilipat sa airtight container o jar at i-refrigerate. 
  2. Timplahan ang manok ng ½ sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP® at 1/8 tsp ng paminta. I-sauté ito sa konting mantika hanggang maging golden brown. Tanggalin sa kawali ang sautéed chicken at pahiran ng 2 tbsp ng pesto sauce. 
  3. Ibuhos ang natitirang pesto sauce, NESTLÉ® Fresh Milk, at NESTLÉ® All Purpose Cream sa kawaling ginamit. Pakuluan at timplahan ng ½ sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP® at paminta. 
  4. Pakuluan ang spaghetti noodles based sa cooking directions na nakasulat sa packaging. 
  5. Salain ang spaghetti noodles at ibuhos dito ang sauce. Ilipat sa serving plate. Hiwain ang chicken sa bite-sized pieces at ilagay sa ibabaw ng pasta. I-serve habang mainit. 
  • Spaghetti with Spanish-style Sardines 
Spaghetti with Spanish-style Sardines

Simple, malinamnam, healthy, at mabilis gawin ang Spaghetti with Spanish-style Sardines. Hindi mo kailangan mag-effort o gumastos masyado para makapaghain ng special na pasta dish. 

Ingredients: 

  • ¼ kg spaghetti 
  • 1 ulo ng bawang, minced 
  • 1 pc sibuyas, diced 
  • 3 pcs kamatis, diced 
  • 2 tbsp vegetable oil 
  • 1 bottle Spanish-style sardines, i-set aside ang mantika at sardine flakes 
  • 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP® 
  • 2 tbsp dahoon ng sibuyas, sliced 
  • ¼ cup kesong puti, chopped 

Procedure: 

  1. Pakuluan ang spaghetti noodles based sa cooking directions na nakasulat sa packaging. 
  2. Igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis sa mantika. Ihalo ang flaked sardines at timplahan ng MAGGI® MAGIC SARAP®. 
  3. I-strain ang spaghetti noodles saka ihalo ang sauce at spring onion. Ilipat sa serving plate. Budburan ng kesong puti at i-serve. 
  • Asian Chicken Spaghetti 
Asian Chicken Spaghetti

Panalo ang Asiang Chicken Spaghetti sa panlasang natin dahil sa sumasabog na Asian flavors. Magandang pang-sorpresa ng mga bisita sa anu mang handaan. 

Ingredients: 

  • ¼ kg spaghetti  
  • ¼ kg hita ng manok (boneless, skinless), sliced sliced 
  • 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP® 
  • 6 cloves bawang, sliced 
  • 1 pc sibuyas, cut into strips 
  • 1 pc sili, sliced 
  • 2 tbsp vegetable oil 
  • ½ cup tubig 
  • 2 tbsp MAGGI® Oyster Sauce 
  • 2 tbsp hoisin sauce 
  • ¼ tsp paminta 
  • 2 tbsp brown sugar 
  • 1 tsp sesame oil 
  • 1 tbsp dahon ng sibuyas, sliced 
  • 1 tbsp sesame seeds, toasted 

Procedure: 

  1. Pakuluan ang spaghetti noodles based sa cooking directions na nakasulat sa packaging. 
  2. Timplahan ang manok ng ½ sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP® at paminta. 
  3. I- sauté ang manok, bawang, sibuyas, at sili sa kontig mantika. 
  4. Ibuhos ang tubig. Ihalo ang MAGGI® Oyster Sauce, hoisin sauce, ½ sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP®,  1/8 tsp ng paminta, brown sugar, at sesame oil. 
  5. I-strain ang spaghetti noodles. Ihalo ang dahon ng sibuyas at sesame seeds. 
  6. Ilipat sa serving plate at i-serve. 
  • Salted Egg Spaghetti 
Salted Egg Spaghetti

Sikat ang salted egg snacks ngayon kaya sakto ang timing mo sa paghahanda ng Salted Egg Spaghetti. Siguradong macu-curious ang lahat kapag inihain mo ito. Baka maging bagong paboritong pasta dish pa nila ito pagkatapos nilang tikman! 

Ingredients: 

  • 4 cloves bawang, minced 
  • 1 pc sili, sliced 
  • 3 pcs salted egg yolk, mashed 
  • 2 tbsp mantikilya 
  • 1 pc 250ml NESTLÉ® Fresh Milk 
  • ½ cup NESTLÉ® All Purpose Cream 
  • ½ cup tubig 
  • 3 tbsp keso, grated 
  • 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP® 
  • ¼ tsp paminta 
  • ¼ kg spaghetti 
  • 1 tbsp dahon ng sibuyas, sliced 

Procedure: 

  1. Igisa ang bawang, chili, at salted egg yolk sa mantikilya. Ibuhos ang NESTLÉ® Fresh Milk, NESTLÉ® All Purpose Cream, at tubig. Ihalo ang keso at pakuluan. Timplahan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at paminta. 
  2. Pakuluan ang spaghetti noodles based sa cooking directions na nakasulat sa packaging. 
  3. I-strain ang spaghetti noodles. Ihalo ang sauce at spring onion. Ilipat sa serving plate at ihain. 

Gawing Maligaya ang Pasko with Yummy Pasta Dishes

Paghandaan at gawing masarap ang menu para sa Christmas parties at family o barkada reunions. Pagkahain ng mga yummy pasta dishes na ito, siguradong hindi ka matatanggihan ng mga bisita at ng buong pamilya. Huwag kalimutang samahan ng dagdag sarap at aroma ng MAGGI® MAGIC SARAP® para siguradong All-in-ONEderful ang handaan sa Pasko.  

  • Facebook
  • Youtube
  • Contact Us
  • Terms and Conditions
  • Privacy Policy
  • Cookies